Tuesday, April 17, 2007

leche flan


ang sikreto daw ng creamy at melts-in-your-mouth na leche flan ay low-heat cooking sabi ng housemate ko. ang recipe nga, nakapaskil na sa pinto ng ref namin.

Cel's** Leche Flan

1 tray eggs (egg yolk)
2 condensed milk
1 evap
sugar

1. combine ingredients
2. caramelize sugar in container
3. pour mixture to container
4. boil water in a large steamer
5. bring to a boil then place the container in steamer (45 minutes) low fire!
6. cook until mixture is firm (toothpick test)

** si cel ay barkada ng housemate ko

Friday, January 05, 2007

Gambas

friday night pero minabuti kong magpahinga muna kesa manood ng sine at makipagkita sa mga kaibigan. mas trip kong magluto at manood ng tv/magbasa hanggang madaling araw. sarap talaga ng walang pasok kinabukasan. ang ulam ko ngayong gabi ay isang recipe ni tatay na natutunan ko last week nung umuwi ako ng pinas. madali lang lutuin at masarap ulamin, siguradong masarap lalo itong ipulutan.

Gambas

Mga sangkap:

hipon (tanggalin ang ulo at balat pwera buntot)
bawang
sibuyas
kamatis
siling labuyo
long green pepper (yung ginagamit sa sinigang)
asin
paminta
toyo
tomato sauce

Igisa ang bawang at sibuyas. Ihulog ang hipon, kamatis at sili. Timplahan ng asin, paminta at toyo. Ihalo ang tomato sauce. Lutuin sa mainit na apoy. Mas gusto ko yung medyo natutuyo na ang sarsa.

Sarap talaga ng weekend..